James Ingram pumanaw sa edad na 66 dahil sa sakit na brain cancer

Pumanaw na sa edad na 66 ang Grammy-winning R&B singer at songwriter na si James Ingram.

Ito ay matapos ang matagal nang paglaban ni Ingram sa sakit na brain cancer.

Maraming kantang pinasikat si Ingram noong dekada 80 kabilang ang duet kasama si Patti Austin na “Baby Come to Me”, gayundin ang “Somewhere out There” kasama si Linda Ronstadt.

Hindi rin makakalimutan ang kanta niyang “Just Once” at “Whatever We Imagine”.

Si Ingram ay 12 beses na-nominate sa Grammys.

Read more...