Lalaki arestado sa pagpatay sa kaniyang kinakasama sa Makati

Arestado ang isang lalaki sa kasong pagpatay sa kaniyang kinakasama sa Makati City.

Dalawang araw na umanong patay ang biktima sa kanilang bahay sa Barangay Pembo bago ito ipinaalam sa mga otoridad.

Nang isailalim sa autopsy ay natuklasang pagsakal o di kaya ay pagtakip sa mukha hanggang sa hindi na makahinga ang posibleng ikinamatay ng biktima.

Doon na naghinala ang mga otoridad kaya inaresto ang suspek na si Florentino Ordinario.

Mahaharap si Ordinario sa kasong murder habang pinag-aaralan pa kung kakasuhan din ang mga kaanak nito dahil sa pagtatago sa bangkay ng biktima sa loob ng dalawang araw.

Read more...