Panibagong LPA binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa

Isang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA na nasa labas pa naman ng bansa.

Ayon sa PAGASA, ang trough o buntot ng nasabing LPA ay nakaaapekto sa southern seaction ng Mindanao.

Dahil dito, ang SOCCSKSARGEN, ARMM at Davao Occidental ay makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw na mayroong kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Ang katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan na mararanasan ay maaring magdulot ng pagbaha at landslides.

Samantala, ang malaking bahagi ng bansa ay apektado pa rin ng Amihan.

Dahil sa Amihan, ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Aurora, Quezon at Oriental Mindoro ay makararanas ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan.

Habang ang Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa ay bahagyang maulap ang papawirin na mayroong isolated na mahinang pag-ulan.

Read more...