Suspek sa Jolo twin blasts nakatakas; kasamahan nito patay

Photo from AFP

Sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ng itinuturong suspek sa twin blasts sa Jolo, Sulu na si alyas Kamah.

Ni-raid ang bahay ni alyas Kamah sa Barangay Latih, Patikul Sulu Martes ng tanghali.

Si Kamah ay miyembro ng subgroup ng Abu Sayyaf na ‘Ajang-Ajang’ group na sinasabing nagpasabog ng bomba sa Jolo Cathedral batay sa kuha ng CCTV.

Ayon sa Joint Task Force Sulu, nakatakas sa raid si Kamah ngunit napatay ang kanyang kasamahan na kinilalang si Ommal Osup.

Nakuha sa raid ang kalibre .45 pistol, sniper scope, dalawang cellphone at isang motorsiklo.

Si Kamah ay ang kapatid na napaslang na si Abu Sayyaf leader Surakah Ingog.

Read more...