Klase sa San Juan suspendido ngayong araw

Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa lungsod ng San Juan ngayong araw.

Magsasagawa kasi ng isang religious activity at medical mission ang Iglesia ni Cristo sa bisinidad ng N. Domingo Street, F. Blumentritt Street at Pinaglabanan Street ayon kay Mayor Guia Gomez.

Dahil dito, inaasahan ang matinding trapiko bunsod ng pagsasara ng ilang mga kalsada.

Sa pagdalo ng publiko sa naturang aktibidad ay inaasahan makaaapekto ito sa pagpasok ng mga estudyante.

Read more...