Lalaki arestado sa buy-bust operation sa Quezon City

Arestado ang isang 22-anyos na lalaki sa buy-bust operation na ikinasa ng mga pulis sa NIA Road, Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Nasa drug watchlist ng Kamuning police ang suspek na kilala umanong tulak ng droga sa lugar.

Ayon sa QCPD station 10, nakatanggap sila ng tip mula sa isang concerned citizen tungkol sa pagtutulak ng droga ng suspek.

Nakumpirma ito ng pulisya matapos makabili ang kanilang poser buyer ng P500 halaga ng droga mula sa suspek.

Nakuha mula sa lalaking suspek ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...