Liquid items bawal na sa LRT at MRT

Hindi na papayagan ang mga pasahero ng MRT at LRT na magdala ng liquid items kabilang ang bottled waters.

Ito ay bilang bahagi ng mas mahigpit na seguridad na ipinatutupad matapos ang magkasunod na pagsabog sa Jolo Cathedral na ikinasawi ng 21 katao.

Paliwanag ni Na tional Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar, mayroong mga liquid items na harmful chemicals pala at maaaring magdulot ng panganib sa buhay ng mga pasahero.

Sa ngayon ay hinigpitan na ng mga linya ng tren ang checking ng bags at x-ray procedures matapos ideklara ng Philippine National Police ang heightened alert status dahil sa Jolo blasts.

Samantala, nanawagan si Eleazar sa publiko na ipagbigay-alam sa mga nag-iikot na pulis ang anumang kahina-hinalang gawain.

Pinayuhan din ang publiko na huwag magpakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon para hindi ito magdulot ng panic.

Read more...