NAIA runway pansamantalang isinara dahil sa pagkabalahaw ng eroplano ng PAL

Pansamantalang isinara ang runway sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa isang nabalahaw na eroplano ng Philippine Airlines (PAL).

Sa isang text message sa INQUIRER.net, sinabi ni PAL corporate communications manager Cielo Villaluna na ang flight PR353 ng PAL na biyaheng Macau-Manila ay lumapag sa NAIA Runway eksaktong alas-6:38 ng gabi.

Gayunman, habang binabaybay nito ang isang rapid exit taxiway, isa sa mga gulong nito ay tumama sa isang hindi pantay na bahagi ng taxiway.

Ayon kay NAIA public relations assistant Michelle Arcega, ang pagkakaharang ng eroplano ay nagdulot ng pansamantalang pagsasara ng runway 13-31 bandang alas-6:40 ng gabi.

Naantala ang mga sumusunod na flights dahil sa runway closure:

• PG 624 Bangkok-Manila
• PR 182 Davao- Manila
• 5J 654 Tacloban-Manila
• 5J 648 Puerta Princesa-Manila
• 5J 330 Legazpi-Manila

Anim na commercial flights ang inilipat sa Clark airport.

Samantala, ligtas ang 8 crew members at 142 na pasahero ng eroplano.

Alas-7:20 ng gabi ay binuksan nang muli ang runway matapos matanggal ang eroplano sa canal area.

Read more...