‘Fantastica’, pinakakumitang pelikula ni Vice Ganda

Inanunsyo ng Star Cinema ang bagong box office record na naitala ng ‘Fantastica’ movie ni Vice Ganda.

Sa isang thanksgiving dinner araw ng Martes, sinabi ng film outfit na kumita ang naturang pelikula na entry sa 2018 Metro Manila Film Festival ng P596 milyon.

Ito na ang pinakamataas na kinita ng isang Vice Ganda film matapos maungusan ang P571 milyon na kinita ng ‘Gandarrapiddo: The Revenger Squad’ noong 2018.

Nananatiling highest grossing Filipino film ang ‘The Hows of Us’ nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na kumita ng P800 milyon sa worldwide sales.

Sa kanyang speech, sinabi ni Vice Ganda na ang tagumpay ng pelikula ay dahil din sa suporta ng mga fans ng kanyang co-stars.

Unang beses na nagtambalan sina Vice Ganda, Richard Gutierrez at Dingdong Dantes para sa Fantastica.

Ang kinita ng MMFF entry ay lampas sa kalahati ng kinita ng buong movie festival.

Read more...