2 patay sa stampede para sa free food coupons sa Malaysia

AP file photo

Nasawi ang dalawang matandang babae matapos mauwi sa stampede ang pamamahagi ng libreng food coupons sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ang pamamahagi ng free food coupons sa matatanda ay bahagi sana ng pagsalubong sa Lunar New Year sa susunod na linggo.

Dalawandaang coupons lamang ang nakatakdang ibigay ngunit higit 1,000 katao ang dumagsa sa isang palengke sa Pudu district.

Nakilala ang mga biktima na sina Law Ion Nang, 78 anyos at Ah Poh, 85 na pinaniniwalaang nahirapang huminga habang naghihintay para sa kanilang coupons.

Sinabi ng isang security guard na nakarinig siya ng mga sigawan ng mga tao at nakita niya ang ilan na nagtutulakan.

Ayon kay Police Chief Assistant Commissioner Shaharuddin Abdullah natagpuan na lamang ang katawan ng mga biktima sa sahig.

Aabot sa apat katao ang nahimatay sa kasagsagan ng pamamahagi ng coupons.

Read more...