Alab Pilipinas wagi kontra Zhuhai Wolf Warriors sa ABL

Tila hindi mapigilan ang pag-arangkada ng Alab Pilipinas matapos muling magtala ng panalo laban sa Zhuhai Wolf Warriors sa iskor na 100-81 sa Asean Basketball League sa Doumen Gymnasium sa China.

Ito na ang ikalimang sunod na panalo ng koponan sa torneo.

Pinangunahan nina Renaldo Balkman at PJ Ramos ang Alab Pilipinas.

Nagtala si Ramos ng 25 points habang si Balkman ay nagtala ng game-high 34 points.

Umakyat ang standings ng Alab sa torneo sa 11-2.

Ang pagkapanalo ng koponan ay kahit bigong makapaglaro si Ray Parks sa ikatlong sunod na laban dahil sa groin injury.

Ito na ang 14 na talo ng Wolf Warriors sa kabuuang 15 laban.

Pinangunahan ang losing team ni Cai Chen sa kanyang 28 points.

Read more...