Ayon kay Silay City police chief Noel Polines, isang 44-anyos na babae ang kanilang naaresto sa Barangay Guinhalaran.
Nasa target list umano nila ang suspek na matagal na nilang minamanmanan.
Nakuha mula sa suspek ang 13 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P45,000 ang halaga.
Depensa naman ng suspek hindi siya sangkot sa bawal na gamot at planted ang nakuhang droga mula sa kanya.
Sa Bacolod City naman, arestado ang isang alyas ‘Pani’ na isa umanong newly identified drug personality.
Nakuha mula rito ang ang droga na nagkakahalaga ng P40,000.
Mahaharap ngayon ang dalawa sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.