Peace talk sa CPP-NPA tuluyan nang isinara ng pangulo

Wala nang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na kausapin pa ang New People’s Army o kahit sinuman mula sa komunitang grupo sa bansa.

Pahayag ito ng pangulo matapos ang pagbisita kahapon sa Jolo, Sulu.

Ayon sa pangulo, nakadidismaya dahil kahit nagbukas na muli ng pintuan para sa posibleng peace talk ang gobyerno pero patuloy pa rin ang mga pag-atake ng rebeldeng grupo.

Dismayado ang pangulo dahil pinalalabas ng rebeldeng grupo na sunud sunuran na lamang ang gobyerno sa kanilang hanay.

Ayon sa pangulo, all-out-war na rin ang ilulunsad ng gobyerno laban san pa gaya ng pagpulbos sa Abu Sayyaf Group na itinuturong responsible sa pagpapasabog sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo.

Magugunitang sinabi ni Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison na gagawin nilang prayoridad ngayong 2019 ang pagpapabagsak sa administrasyong Duterte.

Read more...