Show cause order kontra Diokno ikinakasa na sa Kamara

Malacanang photo

Nakatakdang maglabas ng show cause order ang Kamara laban kay Budget Secretary Benjamin Diokno.

Sa pagdinig ng House Appropriations Committee, hiniling ni Leyte Rep. Vicente Veloso na maglabas ng show cause order ang komite dahil sa patuloy na pag-isnab ng kalihim sa pagdinig.

Nais pagpapaliwanagin ng Kamara si Diokno kung bakit hindi dapat i-cite in contempt sa hindi pagsipot sa mga pagdinig ng Kamara.

Ito na ang ika-apat na beses na no-show si Diokno sa pagdinig ng House Committee on Rules at ng Committee on Appropriations sa kabila ng makailang ulit na pag-imbita sa kanya.

Samantala, humingi naman ng paumanhin si dating majority leader at kasalukuyang Committee on Appropriations chairman Rolando Andaya Jr. sa Department of Budget and Management at sinabing hindi niya target ang buong DBM sa isinasagawang imbestigasyon.

Read more...