ECCP: Negosyo sa bansa apektado sa Jolo, Sulu twin bombing

Inquirer photo

Sinabi ng European Chamber of Commerce of the Philippines (ECCP) na makaka-apekto sa investors’ confidence ang naganap na pagpapasabog sa Jolo-Sulu noong nakalipas na weekend.

Ipinaliwanag ni ECCP president Nabil Francis na magda-dalawang isip na pumunta o maglagak ng negosyo sa bansa ang mga negosyante kapag hindi natigil ang mga kahalintulad na kaguluhan.

Bagaman malayo ang Metro Manila sa Sulu, sinabi ni Francis na hindi maganda sa imahe ng Pilipinas sa kabuuan ang pagkakaroon ng mga armadong grupo na kalaban ng pamahalaan.

Gayunman ay nangako ang nasabing business leader na patuloy na tutulong ang ECCP sa paghikayat ng mga foreign investors sa Pilipinas.

Sa naganap na pagpapasabog sa loob at labas ng Mount Carmel Cathedral ay umakyat na sa 21 ang kumpirmadong patay samantalang maraming iba pa ang sugatan na patuloy pa ring ginagamot sa mga ospital sa Sulu at Zamboang City.

Iniutos na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang all-out-war sa mga armadong grupo sa rehiyon kasama dito ang Abu Sayyaf at New People’s Army.

Read more...