Nakuha ni Criss ang Outstanding Performance by a Male Actor in a Television Movie or Miniseries award sa katatapos na 25th Screen Actors Guild Awards.
Nakuha ni Criss ang pagkilala para sa kaniyang pagganap bilang serial killer na si Andrew Cunanan sa “The Assassination of Gianni Versace: American Crime Story”.
Sa kaniyang serye ng Tweet pinasalamatan ni Criss ang lahat ng malapit sa kaniya para sa tinanggap niyang parangal kabilang na ang mga nakasama niya sa serye.
Kamakailan, nanalo din si Criss bilang Best Peformance by An Actor in a Limited Series or a Motion Picture Made for Television para sa nasabing role sa katatapos ding Golden Globe Awards.
MOST READ
LATEST STORIES