Ayon kay Sen. Ping Lacson ang kabuuang halaga ay sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.
Ibinahagi ni Lacson na unang-una na nagkaroon ng realignment ay sa pondo ng Department of Public Works and Highway (DPWH) na ang pondo ay nahugutan ng P60 billion mula sa nadiskubreng P75 bilyon naisingit sa kanilang pondo.
Paliwanag pa ni Lacson na mas malaking halaga ang nangyaring institutional amendments o ang pondo ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.
Dagdag pa nito, may individual realignment din o mula sa mga naibigay na pondo sa mga mambabatas, lalo na sa mga taga-Kamara.
Sinabi pa ni Lacson na mamayang gabi ay magpapatuloy ang diskusyon ng mga mambababatas mula sa dalawang kapulungan sa bicameral conference committee para mapalantsa na ang lahat ng gusot sa pambansang pondo ngayon taon.