Lalo pang lumakas ang typhoon Infa habang patuloy na lumalapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa pinakahuling weather bulletin ng Pagasa kaninang alas onse ng umaga, huling namataan ang bagyo sa layong 1,810 kilometers sa Silangan ng lalawigan ng Samar.
Taglay ni Infa ang lakas na 175kph at pagbugsong umaabot na sa 210kph.
Kapag hindi nagbago ang kanyang bilis na 25kph inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility ang sama ng panahon bukas ng gabi at ito’y tatawaging Marilyn.
Bukas ng umaga ay inaasahan ang sama ng panahon sa layong 1,395kph Silangan ng Catanduanes.
Sa lunes ay inaasahan naman itong nasa 1,265kph sa Silangan ng Aurora.
Dahil sa mabagal na kilos ng bagyo ay inaasahang ito na tatagal sa PAR ng hanggang Huwebes ng tanghali.
Abangan ang panibagong Pagasa weather update mamayang alas singko ng hapon.