Mga baril at bala nakumpiska sa muling pagsalakay sa bilibid

New-Bilibid-Prison
Inquirer file photo

Sa ika-apat na pagkakataon ay muling sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Corrections ang maximum security compound ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Alas-singko ng madaling araw ng pasukin ng otoridad ang Quadrant 4 sa building 9 at building 14.

Nakumpiska sa isinagawang raid ang ilang mga baril kabilang ang isang mamahaling Cal. 45 at Cal.38 na baril, labing-anim na bala at ilang mga home-made na baril at patalim.

Nakakuha rin ng ilang mga television sets at isang remote control na toy helicopter.

Sinabi ni Bureau of Corrections Director Ricardo Rainer Cruz na magpapatuloy pa rin ang serye ng mga pagsalakay hangga’t hindi nalilinis sa mga kontrabando ang loob ng bilibid.

Magugunitang kamakailan lamang ay naka-kumpiska rin ang mga otoridad ng maraming mga high-powered firearms, illegal drugs pati na rin ng mga sex toys sa loob ng kulungan ng ilang mga tinatawag na “Very Important Prisoners” o VIP.

Read more...