Kuta ng ASG at iba pang local terrorist cell target ng massive military ops ayon sa Malakanyang

Puspusan na ang gagawing operasyon ng militar sa mga kuta ng Abu Sayyaf Group at ng kanilang local terrorist cell.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, utos ito ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang magkasunod na pagpapasabog sa Mount Carmel cathedral sa Jolo, Sulu kamakalawa.

Ayon kay Panelo, asahan na ang malawakang military operations laban sa mga kalaban ng estado.

Una rito, sinabi ng AFP na nasa edad 20 lamang ang mga suspek sa pagpapasabog sa Jolo at umano’y mga kasapi ng Ajang-Ajang Group ng Abu Sayyaf.

Read more...