WATCH: Tinaguriang ‘French Spiderman’ na si Alain Robert, umakyat sa gusali sa Makati, nagdulot ng tensyon sa lugar

Credit: Pamela Villamar

Nagdulot ng tensyon sa mga tao sa palibot ng GT Tower sa Makati City, ang pag-akyat ng isang lalaki sa naturang gusali.

Sa mga video na ibinahagi sa social media makikita ang lalaki na nakasuot ng itim na pang-itaas at dilaw na pants na mabilis na inaakyat ang 45 palapag na GT Tower.

Inakala ng mga nagtatrabaho sa lugar na ang isa iyong insidente ng suicide o magtatangkang tumalon sa gusali ang lalaki.

Pero ang naturang lalaki pala na umakyat sa gusali, ay ang tinaguriang “French Spider-Man” na si Alain Robert.

Si Robert ay isang freeclimber at wala itong ginagamit na climbing equipment sa kaniyang pag-akyat sa gusali.

Maraming gusali na rin sa iba’t ibang lugar sa mundo ang naakyat ni Robert.

Sa pagtaya ng mga nagtatrabaho malapit sa GT Tower na nag-video ng pag-akyat ni Robert, umabot ng 30-minuto ang kaniyang pag-akyat mula sa ibaba hanggang sa tuktok ng gusali.

Read more...