Tatalakayin sa naturang oral argument ng alas 2:00 ng hapon ang ilang mga isyu tulad ng mayroon bang factual basis upang palawigin pa sa ikatlong pagkakataon ang martial law sa Mindanao.
Kabilang din sa mga pag-uusapan ay ang isyu kung mayroon bang limitasyon na nakasaad sa konstitusyon kaugnay ng pagpapalawig ng batas military.
Kung maituturing bang functus officio o wala ng dahilan upang palawigin pa ang martial law dahil sa natapos na ang Marawi siege.
At kung ang pag apruba ba ng kongreso sa kahilingan ng ehekutibo ay isang political question at hindi reviewable ng SC en banc.
Matatandaang naipagpaliban ang naunang petsa ng oral argument makaraang atasan ng Korte Suprema ang Office of the Solicitor General na magkomento sa panibagong mga petisyon kaugnay ng ikatlong extension ng Martial law sa Mindanao.
Partikular dito ang mga petisyon na inihain ng Makabayan bloc ng Kamara at ni dating Comelec Chairman Christian Monsod.