BUILD BUILD BUILD program ng administrasyon malaki ang naiambag sa GDP growth

Ibinida ng Palasyo ng Malakanyang na malaki ang naiambag BUILD BUILD BUILD program ng administrasyong Duterte sa paglago ng gross domestic product.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno double digit na increase ang naitala sa GDP ng bansa sa unang taon pa lamang ng administrasyong Duterte.

Paliwanag ni Diokno ang strong economic performance ang dahilan ng paglago ng GDP.

Sinabi naman ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na maliban sa BUILD BUILD BUILD program, ramdam na rin ng karamihan ang people-centered progress, at ang pagkakaroon ngb climate of peace.

Ayon kay Andanar, ramdam na rin ang connectivity ng media mula gobyerno patungo sa publiko.

Dahil aniya sa maayos na ugnayan ng media at pamahalaaan, maayos na nauunawaan na ng taong bayan ang mga programa ng pangulo na naglalayong bigyan ng komportableng pamumuhay ang bawat Filipino.

Read more...