Personal na ginawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Order of Lapu-Lapu Rank of Kampilan ang isa sa mga sundalo na nasugatan sa pagsabog sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.
Ginawa ng pangulo ang paggawad ng parangal sa pagbisita sa mga sugatang sundalo sa Camp Teodulfo Bautista sa Jolo, Sulu.
Ang Order of Lapu Lapu Kampilan Award ay iginagawad ng pangulo sa mga tauhan ng gobyerno o pribadong indibidwal na nasugatan na nagbigay ng extraordinary service sa bayan.
Matapos ang naturang pagsabog, ipinag-utos na din ng pangulo ang all-out war laban sa terror groups.
MOST READ
LATEST STORIES