Ayon kay Elmer Labog, Chairperson ng Kilusang Mayo Uno (KMU), bagaman nakikidalamhati sila sa mga pamilya ng biktima, nangangamba sila na baka samantalahin ng administrasyon ang sitwasyon para magdeklara ng nationwide martial law.
Giit pa ni Labog, kung pagbabasehan ang ang records ni Pangulong Rodrigo Duterte, ginagawa umano nitong “exaggerated” ang mga banta sa seguridad para lang ma-extend pa ang martial law.
Hinala pa nya, kahit una nang inako ng ISIS ang papapasabog, hindi pa rin maisasantabi ang posibilidad na gobyerno ang nasa likod ng krimen at ginawa mismo ito sa simbahan para takutin ang publiko.
Kaugnay nito, nanawagan ang KMU sa mga Pilipino na maging alerto at mag-ingat lalo na sa mga pag abuso sa mga karapatang pantao.