Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa dalawang magkasunod na pagsabog sa cathedral sa Jolo, Sulu.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command spokesperson Col. Gerry Besana, isa sa mga naka-confine na sibilyan ang binawian ng buhay kaya 21 na ang bilang ng nasawi.
Sa 96 na bilang ng mga sugatan sa pagsabog, 50 pa ang ginagamot sa mga ospital.
Samantala, sinabi ni Besana na malayo sa katotohanan na ISIS ang nasa likod ng pagsabog.
Ani Besana, nakuhanan ng CCTV ang mga suspek maging ang mismong pagpindot ng isa sa kanila sa cellphone na ginamit bilang detonator ng bomba.
Patuloy aniyang tinutugis ng mga otoridad ang Ajang-Ajang Group ng Abu Sayyaf na nasa likod ng pambobomba.