Malakanyang kumpiyansang maipapasa na ang 2019 national budget

Walang bahid ng pagdududa ang Malakanyang na tuluyan nang mararatipikahan sa loob ng lingong ito ang 2019 national budget.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, base sa impormasyon na nakararating sa Palasyo, walang mga mambabatas na ang humaharang sa budget.

Kahapon lamang ay isinalang na sa bicameral conference committee ang budget.

Ipinauubaya na aniya ng Palasyo sa mga mambabatas ang pagpapasya kung saan ilalaan ang nabistong P75 bilyong pondo na bahagi umano ng budget insertion na inilaan sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Panelo, hindi tinanggal ang naturang pondo kundi ilalaan na lamang sa ibang proyekto ng pamahalaan.

Read more...