Dagdag presyo sa produktong petrolyo epektibo na ngayong umaga

Epektibo na ngayong umaga ang panibagong dagdag sa presyo ng produktong petrolyo.

Alas 6:00 ng umaga nang ipatupad ang 20 centavos na dagdag sa kada litro ng gasolina, 55 centavos sa kada litro ng diesel at 40 centavos sa kada litro ng kerosene ang mga kumpanyang Caltex, Seaoil, Petron at Shell.

May parehong dagdag sa presyo ng gasolina at diesel ang Uniol, Jetti, Phoniex, Petro Gazz, Eastern Petroleum, PTT, at Total.

Ito na ang ikaapat na sunod na oil price hike ngayong Enero.

Ang dagdag presyo ay bunsod pa rin ng paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

Read more...