Magnitude 3.7 at 3.4 na lindol naitala sa Sarangani, Davao Occidental

Dalawang beses na niyanig ng lindol ang bayan na Sarangani sa lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.7 na lindol sa 166 kilometers Southeast Sarangani 1:24 umaga ng Martes, January 29.

May lalim na 216 kilometers ang pagyanig.

Naitala naman ang magnitude 3.4 na lindol sa 99 kilometers Southeast ng bayan din ng Sarangani alas-2:00 naman ng umaga at may lalim na 142 kilometers.

Tectonic ang origin ng dalawang pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...