Terrorism at territorial tensions pambungad na isyu sa pagbubukas ng ASEAN Summit

A security guard walks past the ASEAN logo at the 27th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit in Kuala Lumpur, Malaysia, Thursday, Nov. 19, 2015. The ASEAN summit and relating meetings are held in Malaysia on Nov. 18-22. (AP Photo/Joshua Paul)
AP Photo

Sentro ng usapan sa pagbubukas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Kuala Lumpur Malaysia ang problema sa terorismo at territorial tension sa South China Sea.

Sinabi ng ilang analysts na magsisilbi ito bilang ikalawang bahagi ng top-level talk sa hanay ng mga lider na dumalo sa katatapos na APEC Summit na ginanap sa PIlipinas.

Sa pagtatapos ng APEC Summit ay sama-samang inihayag ng mga economic leaders ang kanilang pagbatikos sa sunod-sunod na kaso ng terror attacks sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Inaasahan naman na sa pulong sa Malaysia ay muling igigiit ng China ang kanilang pag-aari sa malaking bahagi ng South China Sea.

Nauna ring naiulat na bubuhayin sa ASEAN Meeting ang ASEAN Economic Community na maihahalintulad sa European Union pagdating sa porma ng economic market.

Tulad nang naganap sa Metro Manila, kasalukuyan ding dumadanas ng mabigat na daloy ng trapiko ang mga lugar sa Malaysia malapit sa mga meeting venues.

Read more...