Bansang Mali nasa ilalim na ng State of Emergency

Mali1
AP video

Isinailalim na sa State of Emergency ang bansang Mali kaugnay pa rin sa naganap na terror attack sa Radisson Hotel sa Capital City ng Balmako.

Sinabi ni President Ibrahim Bumbacar Keita na tatagal ng sampung araw ang State of Emergency.

Mula ng maganap ang pagsalakay kahapon ay itinaas na rin ang full alert status sa buong police at military forces ng Mali.

Nagpasalamat din ang nasabing lider sa United Nations sa kanilang mabilis na pagtugon partikular na sa Special Forces ng U.S at France.

Umaabot sa 27 katao ang patay sa nasabing siege kung saan dalawa naman ang nakumpirmang casualties sa grupo ng mga teroristang sinasabing mga dating kasapi ng Al-Qaeda group.

Sa kanilang video message, inamin ni dating Al-Qaeda Commander Moktar Bemoktar na mga tauhan niya ang nasa likod ng pagsalakay.

Magpapatuloy din daw ang kanilang paglusob sa ilang matataong lugar sa Mali hangga’t hindi pinapakawalan ng pamahalaan ang ilang sa kanilang mga kasamahan.

Dahil sa nasabing pangyayari ay nagtaas ng alerto para sa lahat ng kanilang mga Embahada ang U.S State Department kasabay ang panawagan sa mga Amerikano na mag-ingat sa mga matataong lugar.

Pati ang Homeland Security ng U.S ay naka-alerto na rin dahil sa banta ng iba’t-ibang mga grupo na iniuugnay naman sa ISIS.

Read more...