Empleyado ng gobyerno, patay sa pamamaril sa Bohol

Patay sa pamamaril ng riding in tandem ang isang empleyado ng gobyerno sa harap ng tindahan sa Tagbilaran, Bohol.

Kinilala ng biktima na si Jun Peter Bernaldez, residente ng Barangay Centro Cahayag at casual employee ng municipal government sa Tubigon.

Ayon sa pulisya, nasa tindahan si Bernaldez sa national highway nang barilin ito ng mga nakamaskarang mga suspek na agad tumakas matapos ang krimen.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala mula sa .45 caliber pistol.

Iniimbestigahan ang motibo sa pamamaril kay Bernaldez.

Read more...