Acosta, pinaglalabas ng ebidensya na sinuhulan umano ni Duque ang Dengvaxia victims

Pinayuuhan ng Palasyo ng Malakanyang si Public Attorneys Office (PAO) chief, Atty. Persida Acosta na bigyan ng back up ang alegasyong binibigyan ng pera ni Health secretary Francisco Duque III ang mga biktima ng Dengvaxia para hindi na ituloy ang pagsasampa ng kaso.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, dapat na maglabas ng ebidensya si Acosta para mapagtibay ang alegasyon nito laban kay Duque.

Una rito, sinabi ni Acosta na binibigyan ni Duque ng tig-P50 milyon ang mga pamilyang namatayan dahil sa Dengvaxia vaccine.

Wala naman aniyang balak ang Malakanyang na magsagawa ng sariling imbestigasyon kaugnay sa mga ibinunyag ni Acosta.

Read more...