Ayon kay CHR spokesperson Jacqueline De Guia, mariin nilang kinokondena ang pagpapsabog sa Marian Catherdal of Our Lady of Mount Carmel sabay giit na walang lugar sa bansa ang karahasan.
Matagal na anyang mithiin ng mga Pilipino ang kapayapaan sa Mindanao kaya walang lugar ang karahasan lalo na sa mga lugar na nagsusulong ng kaayusan sa rehiyon sa pamamagitan ng Bangsamoro Organic Law plebiscite.
Ang insidente ay iimbestigahan ng joint team mula sa CHR Central Office, Investigation Office at CHR-Region 9.
Hinimok ng ahensya ang mga otoridad na arestuhin ang mga nagpasabog na ikinamatay ng 20 katao at ikinasugat ng 100 iba pa.