Panukalang pagbaba ng age of criminal responsibility sa 12 anyos, lusot na sa Kamara

Inaprubahan na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na ibaba sa 12 anyos ang age of criminal responsibility.

Sa botong 144-34, ipinasa ang House Bill 8858 na amyenda sa R.A. 9344 o Juvenile Justice Welfare Act of 2006.

Ang pinal na pag-apruba sa panukalang batas ay 1 araw lamang matapos itong makapasa sa ikalawang pagbasa.

Kalimitang naaaprubahan sa final reading ang isang bill matapos ang 3 session days sa huling pag-apruba, liban na lang kung sinertipikahang urgent ng Pangulo.

Ang bill ay suportado mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Unang sinabi ni Arroyo na ang suporta niya sa panukalang batas ay alinsunod sa legislative agenda ni Duterte at ang kagustuhan nitong hindi magamit ng mga sindikato ang mga bata sa iligal na gawain.

Read more...