Pangulong Duterte, bumisita sa Sulu

Binisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Jolo, Sulu isang araw matapos ang magkasunod pagsabog sa Mount Carmel Cathedral.

2:15 ng hapon nang dumating ang pangulo at umalis ng pasado 5:00 ng hapon.

Nagkaroon muna ang pangulo ng security cluster briefing sa Sulu kasama ang mga kinatawan ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Task Force Sulu.

Binisita mismo ng pangulo ang blast site pati na ang mga nasawi sa pagsabog.

Binisita rin ng pangulo ang mga nasugatan na ngayon ay patuloy na nakaratay sa ospital at nagpapagaling.

Kasama ng pangulo sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, PNP chief Oscar Albayalde, AFP chief of staff Benjamin Madrigal, DILG Sec. Eduardo Año, National security adviser Hermogenes Esperon at anak na si Davao city Mayor Sara Duterte.

Bukod sa personal na pakikiramay, nagbigay din ang pangulo ng ayuda.

Read more...