General Luna, Surigao Del Norte niyanig ng lindol

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3.7 na lindol sa Surigao del Norte, Lunes ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 37 kilometers Northeast ng General Luna dakong 2:23 ng hapon.

May lalim itong 9 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, walang napaulat na naitalang pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...