Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, panibagong karangalan sa bansa ang ibinigay ni Gallman sa Pilipinas.
“I’d like to congratulate another laurel to the Philippines. Miss Gallman, Karen Gallman, for winning the Miss Intercontinental,” ani Panelo.
Matatandaang nakagawa ng kasaysayan si Gallman bilang kauna-unahang Filipina na nakasungkit sa korona ng Miss Intercontinental sa nakalipas na 47 taon.
“She exemplifies the new breed of beautiful and cerebral Filipino women that is putting the Philippines in the world map as a country of reigning beauties with high IQ,” pahayag pa ni Panelo.
Tinalo ni Gallman ang mga pambato ng Costa Rica at Slovak Republic na kapwa malakas din ang hatak dahil sa magagandang sagot sa question and answer portion.