Kapatid ng lider ng Abu Sayyaf kabilang sa person of interest sa pagsabog sa Jolo, Sulu

Kabilang ang kapatid ng isang lider ng Abu Sayyaf sa mga itinuturing na person of interest sa dalawang pagsabog na naganap sa simbahan sa Jolo Sulu.

Ayon kay Philippine National Police chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde, isang alyas Kamah ang nakita sa CCV footage habang nasa bahagi ng Jolo Cathedral.

Si Alyas Kamah ay kapatid ni Abu Sayyaf leader Surakah Ingog.

Sinabi ni Albayalde na nakita sa CCTV si Kamah kasama ang iba pang suspek bago ang naganap na pagsabog.

Kilala si Kamah bilang bomb maker ng Abu Sayyaf.

Sa ngayon, sinabi ni Interior Sec. Eduardo Año, inaalam pa ng mga otoridad kung ang mga suspek ay mga suicide bomber.

Read more...