Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, security lapses o kapabayaan mula sa panig ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kung kaya nakalusot ang pagsabog.
Sa kabila kasi aniya ng umiiral na martial law sa Mindanao at activation ng 11th infranty division sa Jolo, Sulu, nakapuslit pa rin ang mga kalaban at naghasik ng terorismo sa lugar.
Sa ngayon, sinabi ni Panelo na mas makabubuting hintayin muna ang ginagawang imbestigasyon bago ihayag na may mananagot na security officials.
Inatasan na aniya ng pangulo ang AFP na tiyakin ang seguridad ng mamayan sa Sulu.
Inatasan na rin ng pangulo ang ibat ibang sangay ng pamahalaan na tugunan ang mga pangangailangan ng mga nabiktima ng pagsabog.
Napasalamat din ang Palasyo sa pakikiramay na ipinaabot ni Pope Francis at iba pang lider mula sa iba’t ibang bansa gaya ng Australia at Canada.