Sinibak na undersecretary ng DOLE binigyan ng bagong pwesto sa ilalim din ng DOLE

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Labor Undersecretary Joel Maglunsod bilang bagong executive director ng National Maritime Polytechnic (NMP) na nasa ilalim din ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Papalitan ni Maglunsod si Romulo Bernardes.

Matatandaan na noong October 2018, sinibak ni Pangulong Duterte si Maglunsod dahil sa pagiging miyembro ng makakaliwang grupo.

Papalit naman sa puwesto ni Maglunsod si Ana Colting Dione.

Samantala, itinalaga rin ng pangulo si Kelvin Lester King Lee bilang bagong commissioner ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Papalitan ni Lee sa pwesto si Emilio Aquino.

Tatagal ang termino ni Lee hanggang sa December 2023.

Read more...