U.S. tiniyak ang suporta sa AFP matapos ang pagsabog sa Jolo, Sulu

Matapos ang malagim na pagsabog na naganap sa Jolo, Sulu tiniyak ng Amerika ang suporta sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni U.S. Ambassador to the Philippines Sung Kim, na gagawin ng Estados Unidos ang lahat upang makapagbigay ng suporta sa Sandatahang Lakas.

Kasabay nito ay kinondena ni Kim ang naganap na pagsabog.

Nagpaabot din ang opisyal ng pakikiramay sa mga naulila bunsod ng insidente.

Umaasa din ang embahada na agad na makaka-recover ang mga sugatan sa insidente.

Read more...