NBI inatasan ng DOJ na imbestigahan ang pagsabog sa Jolo

Pasok na rin sa imbestigasyon sa naganap na pagsabog sa Jolo, Sulu ang National Bureau of Investigasion (NBI).

Ito ay makaraang atasan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang ahensya para magsagawa ng parallel investigation sa pagsabog.

Hindi naman nagtakda ng deadline si Guevarra kung kailan dapat tapusin ng NBI ang kanilang imbestigasyon.

Sa ngayon ay patuloy ang post-blast investigation ng Joint Task Force Sulu hinggil sa nasabing pagsabog na naganap sa kasagsagan ng idinaraos na misa sa Cathedral sa Jolo.

Read more...