Kahit hindi pumapasok sa mga survey: Sen. Cayetano hindi aatras sa 2016 Presidential polls

alan-peter-cayetano
Inquirer file photo

Walang balak si Senate Majority leader Alan Peter Cayetano na umatras sa 2016 Presidential elections.

Ito ay kahit hindi nakakasama sa resulta ng mga pre-election survey ang pangalan ng Senador.

Giit ni Cayetano, wala siyang balak na bumaba sa pagka Bise-Presidente at tanging hangarin nito sa susunod na eleksyon ay ang maluklok sa pinakamataas na puwesto sa bansa.

Umaasa si Cayetano na makakukuha pa rin siya ng sapat na suporta sa mga susunod na araw.

Kung siya raw ang tatanungin ay hindi siya aatras, ngunit depende pa rin aniya ito sa suporta ng taumbayan.

Batay sa pinakahuling presidential survey ng Pulse Asia, hindi lumabas ang pangalan ni Cayetano subalit nasa ikaapat naman ito sa listahan ng mga Vice-presidentiables. / Chona Yu

 

Read more...