Kahit nagresign na: VP Binay, hindi pa rin titigilan ng Blue Ribbon Subcommittee

trillanes-binay1
Larawan mula sa Inquirer.net

Wala pa ring balak ang Senate Blue Ribbon Subcommittee na tantanan ang imbestigasyon sa mga isyu ng katiwalian na kinasasangkutan umano ni Vice President Jejomar Binay.

Ito ay kahit nagbitiw na sa gabinete si VP Binay at bumaba ang ratings nito sa mga presidential surveys.

Ayon kay Senador Antonio Trillanes IV, sasagarin nila ang imbestigasyon para mabulgar ang katotohanan.

Mas magiging  madali na anya ngayon ang pagkuha nila ng mga  kaukulang dokumento mula sa mga ahensyang dating hinahawakan ni VP Binay.

Bukod sa senado, sinabi ni Trillanes na pwede nang  puspusan ang gagawing paghabol ng  gobyerno sa Bise Presidente.

Giit naman ni Senador Koko Pimentel, kailangang magkaroon ng logical conclusion ang kanilang imbestigashon kay VP Binay.

Pero ayon kay Senador JV Ejercito, nakaka-umay na ang napakatagal na imbestigasyon ng Blue Ribbon Subcommittee sa mga isyu ng katiwalian laban sa Pangalawang Pangulo.

Makabubuti anyang itigil na ito dahil marami pang ibang usapin at kontrobersya na mahalagang maimbestigahan ng Blue Ribbon. / Chona Yu

Read more...