WATCH: Pagsabog sa Jolo, Sulu posibleng foreign assisted ayon kay Prof. Banlaoi

Naniniwala si National Security Expert Prof. Rommel Banlaoi na posibleng may tulong ng mga dayuhang terorista ang nangyaring dalawang pagsabog sa simbahan sa Jolo, Sulu.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Banlaoi na planado ang timing ng ginawang pagpapasabog.

Maliban dito, sa kabila ng napakahigpit ng seguridad sa Sulu dahil sa katatapos na plebisitio sa Bangsamoro Organic Law (BOL) ay nagawa pa ring makalusot ng mga terorista.

Sinabi naman ni Banlaoi na mahirap pang iugnay ngayon ng direkta sa katatapos na Bangsamoro Organic Law plebiscite ang nangyari.

Ang Ajang-Ajang group kasi aniya na unang tinukoy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang posibleng nasa likod ng pagsabog ay sub-group ng Abu Sayyaf.

At alam naman ng lahat ayon kay Banlaoi na ang Abu Sayyaf ay tutol sa pagbuo ng Bangsamoro Government.

Read more...