Temperatura sa Baguio City bumagsak sa 9.8 degrees Celsius

Bumagsak muli ang temperatura sa Baguio City ngayong Lunes, Jan. 28 ng umaga.

Ayon kay PAGASA Weather Specialist Raymond Ordinario, alas 5:30 ng umaga kanina, nakapagtala ng malamig na 9.8 degrees Celsius.

Mas mababa ito kumpara sa pinakamababang temperatura na naitala sa lungsod noong Jan. 22 na 10.4 degrees Celsius.

Dahil dito, ang naitalang temperatura ngayong araw ang pinakamababang temperatura sa Baguio para ngayong Enero 2019.

Kahapon, araw ng Linggo, naitala ang 11.5 degrees Celsius na minimum na temperatura sa Baguio City.

Sa kasaysayan ay 6.3 degrees Celsius ang pinakamababang temperatura ang naitala sa Baguio noong Jan. 19, 1961.

Read more...