May-ari ng gumuhong dam sa Brazil pinagmulta ng $66M; pinakamalaking environmental penalties sa kasaysayan ng Brazil

AFP Photo
Inatasang magmulta ng $66 million ang may-ari ng gumuhong dam sa southeastern Brazil na ikinasawi ng aabot sa 34 na katao.

Ito na ang pinakamalaking environmental penalties na naipataw sa kasaysayan ng Brazil.

Pinagmulta ng Brazilian environmental Agency na Ibama ang kumpanyang Vale SA mining dahil sa iba’t ibang mga paglabag.

Noong Biyernes, gumuho ang dam na pag-aari ng nasabing kumpanya sa Minas Gerais region.

Iniutos din ng korte sa lugar ang paglalabas ng freeze order sa nasa $1.3 billion na laman ng mga bank account ng kumpanya.

Maliban sa 34 na nasawi ay marami pa ang pinaghahanap sa pagguho ng nasabing dam.

Read more...