ISIS inako ang pagpapasabog sa Jolo, Sulu

Inako ng grupong Islamic State ang pagpapasabog sa Jolo, Sulu.

Sa inilabas na ulat sa Amaq News Agency ng ISIS, nakasaad na ang naturang grupo ang responsable sa dalawang magkasunod na pagsabog sa loob at labas ng simbahan sa Jolo.

Wala pa namang opisyal na pahayag ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa pag-ako ng ISIS sa pag-atake.

Pero ayon sa AFP, ang Ajang-Ajang Group ng Abu Sayyaf ang suspek sa pagpapasabog sa simbahan.

Magugunitang dalawampu na ang opisyal na bilang ng mga nasawi sa pagsabog na naganap sa Mt. Carmel Cahedral.

Sa datos na inilabas ng mga otoridad, sa 20 nasawi, 5 ang sundalo, 14 ang sibilyan at 1 ang tauhan ng Coast Guard.

Mayroon namang nasa 112 ang nasugatan.

Ang bilang base sa listahan ng mga nasugatan at nasawi mula sa mga opistal kung saan isinugod ang mga biktima.

Inilakip din sa listahan mula sa mga ospital ang pangalan ng mga nasawi at nasugatan matapos magkaroon ng kalituhan sa paglalabas ng bilang ng mga nasawi dahil sa double counting.

Read more...