M3.0 at M3.1 na mga lindol naitala sa Surigao del Norte

Niyanig ng halos magkasunod na lindol ang Surigao del Norte kaninang madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, alas-4:13 nang naitala ang magnitude 3.1 na lindol sa layong 64 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng General Luna.

May lalim itong isang kilometro.

Alas-4:50 naman nang yanigin ng magnitude 3.0 na lindol ang kaparehong lugar at may lalim pa rin na isang kilometro.

Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig.

Hindi naman inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks o mga kasunod pang pagyanig.

Read more...